Tuesday, December 11, 2007

Maikling Talumpati ng Ina ni Cris Mendez

Maikling Talumpati ng ina ni Cris Mendez kanina sa National Conference to Stop Hazing na itinaguyod ng Solidarity for Anti-Hazing Via Education (SAVE) at UP Student-Led Anti-Hazing WAtch (UP SAWA). . Ang SESC ay kasapi ng SAWA.

***

Magandang umaga po sa inyong lahat.


Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang “Jj Ocana” na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking forward to having you as a brod.”

Doon po sa ipinadala ni Jj Ocana na Sigma Rho Tenets ay kasama yung mga sinasabi niyang “Codes of Action of a Sigma Rhoan.” Ang pinaka-number one po sa mga Codes of Action na ito ay ganito ang sinasabi: “To stand by the side of any brother Sigma Rhoan right or wrong.”
Kahit nakagawa ng mali, kakampihan pa rin nila ang brod nila. Kahit gumawa ng krimen, o pumatay ng tao, pagtatakpan pa rin nila ang brod nila. Walang kwenta sa kanila ang Diyos. Ang batas ay bale-wala rin. Kahit bulong ng konsensya nila ay di pinapansin. Mag-aapat na buwan na po mula ng s! aktan at kitilin nila ang buhay ng kaawa-awa kong anak. Ang napakabait kong anak. Kami po ay isang mahirap na pamilya lamang at ako po ay umabot lamang sa high school. Wala po akong gaanong alam sa mga fraternities at ang kanilang mga ritwal. Ang alam ko lamang po ay ang itinuro sa akin ng aking mga magulang na itinuro ko rin kay Cris at sa bunso niyang kapatid na si Renz. Ito ay ang magkaroon ng takot sa Diyos. Ang paggawa ng tama. Ang pagmamahal sa kapwa. Ang pagharap sa responsibilidad at paggalang sa batas. At ang paghingi ng tawad sa kapwa pag nakagawa ng mali.

Kung ito lamang po sana ang tenets ng mga fraternities hindi po siguro nangyari ang nangyari sa aking anak.

Salamat po.

Shahana Abdulwahid is official UPD SR nominee

Shahana Abdulwahid, current University Student Council (USC) chairperson is the official Student Regent nominee of UP Diliman after the student convocation held yesterday, December 11, 1 to 4pm at the UP School of Economics Auditorium. Fourteen student councils and USC councilors voted in favor of elevating Ms. Abdulwahid to the system-wide student regent selection process; six student councils, including SESC, and USC councilors abstained while one student council and one USC councilor voted against. Each student council and USC councilor is alloted one vote.

The system-wide student regent selection will be held on December 21 to 22 at the General Assembly of Student Councils at UP Baguio. For more information about the Office of the Student Regent, please read the following issue of Critical Points.